Sa isang sulok ng madilim na eskinatng makitid,
silakbo ng paghihintay ay umiinit ng di mo batid,
sana'y masilayan ka't sa aking labi'y ngiti ang hatid,
sana'y habambuhay tayong maigapos ng lubid.
Uma-ambon na't tila'y ayaw mong dumating,
umapaw man ang tubig sa kanal, wala akong daing,
umaraw naman sana't makita ka,tangi kong hilinbg,
ubos na rin ang mga sigarilyo,sa wari ko'y hindi ka darating.
Daho'y nilipad ng humuhuning hangin,
dumadaplis sa aking noo, parang mga bituin,
dumadapo sa tenga't tila'y ma hinahabilin,
dahan-daha'y uuwi na nga at bitin na bitin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento